Aminado ang Department of Justice na patuloy pa rin pinag-aaralan ng prosekusyon ang magiging resolusyon hinggil sa reklamong plunder kinakaharap nina Sen. Jinggoy Estrada at former Sen. Bong Revilla Jr.
Sa isang mensahe mula kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, ibinahagi nitong ‘under review’ pa ang naturang reklamo.
Dito susuriin ng mga piskal kung nararapat bang ibasura na lamang o tuluyang irekumenda na sa paghahain ng pormal na kaso sa kaukulang korte.
Kung kaya’t hindi pa nairerefer ng kagawaran sa Office of the Ombudsman ang reklamong plunder na inihain ng National Bureau of Investigation.
Bukod sa dalawang mambabatas nabanggit, si former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at dating Department of Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan ay may kinakaharap ring plunder case sa DOJ.
Gayunpaman, pagtitiyak ng kagawaran na patuloy uusad ang reklamo sa kabila ng krisis na nararanasan sa bansang Pilipinas.
















