LA UNION – Aabot na sa 700 ang kaso ng Covid 19 sa buong Region 1.
Ito ay matapos na maitala ang siam na bagong kaso kung saan umabot na ito sa 693.
Ang dalawang bagong kaso ay galing sa lalawigan ng Pangasinan na nakapagtala ng walo at La Union, isa.
Sa buong Region 1, nasa unang listahan ang lalawigan ng Pangasinan sa pinakamaraming kasong naitala na umaabot na sa (390), pangalawa ang La Union, (200), Ilosos Sur (60), at Ilocos Norte, (43).
Kaugnay nito, 148 ang active cases, 517 ang recoveries, 36 ang mga nasa pagamutan, 88 ang naka home quarantine at 24 ang nasa mga isolation facility sa rehiyon
Samantala, 8,024 naman ang suspected sa covid 19 at 6,042 ang negative sa test mula sa nakamamatay na virus.
Patuloy naman ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga pasyente.