-- Advertisements --
LAOAG CITY – Nadagdagan ng dalawang panibagong kaso ng covid-19 ang probinsya ng Ilocos Norte dahilan para umabot na sa 117 ang kabuuang kaso.
Base sa inilabas na statement ni Governor Matthew Marcos Manotoc, ang dalawang pasyente ay kapwa mga locally stranded invidual at asymptomatic o walang nararanasang sintomas ng covid-19.
Si IN-C116 ay 22-anyos na lalaki, residente ng Brgy. Urias, Nueva Era at nagmula sa Pasig City habang si IN-C117 ay 36-anyos na lalaki at residente ng Brgy. 32-C La Paz sa lungsod ng Laoag at nagmula sa Dagupan City, Pangasinan.
Kaugnay nito, kasalukuyang naka-quarantine ang dalawa habang hindi pa malaman kung saan nila nakuha ang virus.














