-- Advertisements --
CEBU – Umakyat na sa 34 ang kaso ng COVID-19 sa Central Visayas matapos madagdagan ng isa pang pasyente na mino-monitor sa ngayon.
Batay sa test results mula sa Vicente Sotto Memorial Medical Center Sub-National Laboratory (VSMMC SNL) isa ang nagpositibo sa inilabas na 80 test results.
Sa datos ng Department of Health (DoH-7) ang 34th case sa Central Visayas ay mula sa Cebu City na nakaranas ng mild symptoms, at striktong naka home isolation sa ngayon.
Patuloy naman ang paalala ng DoH-7 sa publiko na mananatili sa tahanan at iwasan munang lumabas kung walang importanteng pupuntahan.
Samantalang, binigyang diin din ng ahensiya ang pagpapanatili sa kalinisan hindi lamang sa paligid ng tahanan pati na rin sa katawan.