Nakapagtala ang Pilipinas ng 7 karagdagang kaso ng omicron subvariant XBB.1.16 dahilan para tumaas pa ito sa 11.
Ayon sa pinakahuling ulat ng biosurveillance ng COVID-19 ng DOH, ang 7 lokal na kaso ng XBB.1.16 ay nadetect sa Cordillera Administrative Region, Western Visayas, Mimaropa, Bicol Region at Central Luzon,
Ang XBB.1.16 na kilala rin bilang “Arcturus,” ay isang descendent lineage ng XBB subvariant.
Nauna nang sinabi ng DOH na ang strain ay may kakayahang umiwas sa immunity at lumilitaw na mas nakakahawa kaysa sa mga naunang variant.
Sinabi rin ng kagawaran na mayroon ng local transmisaion ng XBB.1.16 “dahil dumarami ang bilang ng mga kaso ng variant na walang mga linkages sa mga international cases o walang history of exposure.
Una na ring iniulat ng DOH na gumaling na ang unang pasyenteng dinapuan ng Arcturus mula sa Iloilo
Matatandaan na inuri ng World Health Organization ang XBB.1.16 bilang variant ng interes o VOI noong Abril kasunod ng patuloy na pagtaas sa pagkalat nito.
Sa datos noong Abril, kumalat na rin ang Arcturus sa 22 bansa kabilang ang India kung saan ito unang nadetect, Singapore, Australia, UK, at United States.