Malaki ang posibilidad na makasuhan ng kdinapping ang 13 tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa National Capital Region na unang sinibak sa puwesto dahil sa kuwestiyonableng raid nila sa Parañaque City.
Sinabi ni PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Director Police Brig. Gen. Warren de Leon, na isang Chinese national ang nagreklamo laban sa mga kapulisan na una nilang hinili dahil pagsusugal.
Humingi umano ng pera ang mga kapulisan para ito ay kanilang pakawalan.
Maraming paglabag din ang nakita ng mga PNP sa isinagawa nilang raid gaya ng kakulangan sa pre-operations.
Inahahanda na rin nila ang kasong robbery laban sa mga kapulisan na sangkot dahil sa pagkuha ng mga ito ng mga mamamahaling relo, bag, pera at alahas ng mga biktima.
Ang nasabing mga biktima ay personal na nagreklamo mismo kay PNP Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Rhodel Sermonia.