Naaresto na rin ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Task Force Limbas ang kasamahan ni Narc Delemios, ang pangunahing suspek sa pagpatay sa Grab driver na si Gerardo Maquidato.

Nakilala ang nahuling suspek na si Jeric Dumalaon Lim na kasama ni Delemios sa hiwalay na kaso ng pagpatay sa biktimang si Gino Balbuena noong 2014.

Si Lim at Delemios ay kapwa may outstanding warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ng Paranaque Regional Trial Court-Branch 257 kaugnay sa pagpatay kay Balbuena.

Batay sa report, ang nasabing warrant ang siya ring ginamit ng PNP sa pag-aresto kay Delemios noong Martes ng gabi, matapos itong boluntaryong sumuko sa orotidad.

Kahapon iniharap sa mga miyembro ng media ang suspek na si Delemios.

Tiniyak naman ni PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na mananagot ang mga suspek sa krimen na kanilang ginawa.