NAGA CITY- Ang kanyang karanasan bilang dating empleyado ng Bombo Radyo Naga ang isa sa dahilan kung bakit naiintindihan umano ni Camarines Sur 3rd District Rep. Gabby Bordado ang ABs-CBN.
Si Bordado ang isa sa 11 kongresista na inilaban na mabigyan ng prangkisa ang naturang TV network.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bordado, sinabi nitong bago pa man siya pumasok sa pulitika, dati na siyang nagsilbi sa publiko sa pamamagitan ng Bombo Radyo kung kaya alam niya ang kahalagahan ng media lalo na sa ganitong panahon na nahaharap ang buong mundo sa pandemya at sa iba pang mga dumarating na kalamidad.
Aniya, aminado siya na may pagkakamali rin ang Network, ngunit hindi ibig sabihin nito na apektado na rin ang mga nagawang tulong para sa publiko sa pamamagitan ng pamamahayag.
Dagdag pa ng Kongresista, dapat bigyan pa rin ng lugar ang Freedom of the press at Freedom of expression sa ating bansa.