Maaaring makapagpatubig ng mas maraming palayan na magbubunga ng higit sa 570,000 metrikong tonelada ng palay o unhusked rice bawat taon ang karagdagang P40 bilyong budget para sa National Irrigation Administration
Sinabi ni NIA Administrator Eduardo Guillen na ang mas maraming pamumuhunan sa mga sistema ng irigasyon para sa susunod na taon ay maaaring magbalik ng mahigit P10 bilyon kada taon sa loob ng mahigit apat na taon.
Binanggit din ni Guillen na ang ilan sa 2024 budget ay gagamitin din sa pagtugon sa climate change at mga alalahanin sa maintenance ngf kanilang ahensya, kabilang ang solar-powered pump irrigation system.
Nauna rito, inamyendahan ng House Committee on Appropriations, sa pangunguna ni Rep. Elizaldy Co, ang panukalang P5.768 trilyong national budget para sa 2024 para sa realignment ng mahigit P194 bilyon upang labanan ang inflation at mamuhunan sa kinabukasan ng bansa.
Inamyendahan rin ng small committee ang 2024 budget para sa Department of Agriculture sa P20 bilyon para sa rice subsidy program at P2 bilyon para sa Philippine Coconut Authority para sa malawakang pagtatanim at ang replantling ng mga punla.
Ibinalik din ng Kongreso ang 2024 budget para sa mga bakuna laban sa African swine fever sa P1.5 bilyon at ang Philippine Fisheries Development Authority sa P1 bilyon para sa pagtatayo ng fishery at post-harvest facilities sa Palawan at Kalayaan Group of Islands.
Una nang sinabi ni Guillen na ang budget realignment para sa NIA ay tututuon sa agricultural productivity, na kabilang sa mga pangunahing prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos.