-- Advertisements --

Halos kalahati na ng mahigit 8,500 slots na binuksan ng pamahlaan para sa mga health care workers na lalaban sa COVID-19 pandemic ang napunuan na, base sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso.

“Of the 8,553 slots approved, 4,045 HRH [human resources for health] have been hired,” ani Pangulong Duterte.

Ang Department of Health (DOH) ang siyang nag-apruba sa 8,853 slots para sa emergency hiring para sa 286 health facilities tulad ng mga hospitals, quarantine facilities, temporary treatment at monitoring facilities, pati na rin sa mga diagnostic facilities.

“The DOH continues to temporarily redeploy nurses to DOH and LGU [local government unit] hospitals handling COVID-19 cases, as well as for contact tracing and specimen collection/swabbing activities,” dagdag pa nito.

Sa kanyang ulat sa Kongreso noong nakaraang linggo, tinukoy ni Pangulong Duterte ang “bottlenecks” sa hiring ng mga health care workers.

Kabilang na aniya rito ang “low uptake/no takers” sa ilang posisyon at may ilang aplikante rin daw ang may private practice na hindi maaring makompromisa.