Bumaba ngayon ang naitala ng Department of Health (DoH) na kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Department of Health, nasa 1,554 na kaso ang naitala kahapon mula sa dating 2,106.
Ang active case naman ay bumaba rin sa 25,004.
Dahil sa bagong covid infections, ang nationwide tally sa ngayon ay pumalo na sa 3,971,455.
Nakapagrehistro naman ang health department ng 2,446 na bagong recoveries kaya ang recovery tally na 3,883,122.
Ang death toll naman ay umakyat na sa 63,329 matapos makapagtala ang DoH ng karagdagang 32 na bagong patay.
Sa nakaraang dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) pa rin ang nakapagtala ng pinakamaraming infection na 11,347.
Sinundan naman ito ng Calabarzon na may 5,307, Central Luzon may 2,712, Davao Region na may 1,417 at Western Visayas na may 946.