Isang probokasyon sa China ang pagtatalaga ng mga bagong EDCA sites na mga karagdagang pasilidad ng militar ng Pilipinas na maaaring ma-access ng mga pwersa ng US, ayon sa isang eksperto mula sa think-tank.
Sinabi ni Prof. Hu Bo ng Strategic Situation Probing Initiative na ang mga bagong site ay tiyak na gagamitin laban sa mga operasyon ng China sa paligid ng Taiwan.
Hindi sumang-ayon ang mga Pilipinong eksperto sa pagsasabing ang EDCA sites ay para sa depensa ng bansa.
Kung matatandaan, inanunsyo ng Malacanang ang apat na karagdagang EDCA sites:
Naval Base Camilo Osias sa Santa Ana, Cagayan
Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan
Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela
Balabac Island sa Palawan
Sa kabilang banda, inilarawan ni Department of National Defense officer-in-charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. ang mga karagdagang site bilang mga ‘strategic choices’.