-- Advertisements --
image 367

Sasagutin ng pamahalaan ang karagdagang anim hanggang pitong oras kada araw na libreng suplay ng kuryente sa loob ng dalawang buwan sa Occidental Mindoro simula sa Abril 29.

Sa gitna ito ng nararanasang pagkawala ng suplay ng kuryente sa lalawigan na umaabot ng 20 oras.

Ayon sa National Electrification Administration (NEA), ang hakbang ng pamahalaan ay naisakatuparan matapos na makapag-secure ng isang kasunduan sa Power Systems Inc. (PSI) para mag-operate ng isang planta sa bayan ng San Jose na magbigay ng karagdagang lima hanggang anim na megawatts (MW) na babayaran sa pamamagitan ng calamity fund ng gobyerno.

Ayon pa sa ahensiya ang paghiram sa power plant ng PSI ay isa lamang sa hakbang na ginagawa ni NEA Administrator Antonio Almeda para resolbahin ang krisis sa kuryente sa Oriental Mindoro.

Nangako naman ang DMCI Power Corporation (DPC) na magbibigay ng 10 MW sa loob ng 30 araw at 7MW sa loob ng dalawang araw.