-- Advertisements --

Target ng pamahalaan na makapagtayo pa ng 50 quarantine facilities sa buong bansa sa susunod na tatlong linggo, ayon kay DPWH Sec. Mark Villar.

Ayon kay Villar, sa ngayon ay mayroon nang 52,223 available beds sa mga quarantine facilities ng pamahalaan para sa mga COVID-19 pateients.

Pero madadagdagan aniya ito kapag matapos na ang mga pasilidad na kasalukuyang under construction pa sa Visayas at Mindanao.

Bukod dito, may kausap din aniya silang iba pang mga local government units para sa area na maaring gamitin sa mga idadagdagan na centers.

Sa ngayon, mahigit 56,000 na ang COVID-19 cases sa buong bansa, kung saan 1,534 dito ay tuluyang binawian ng buhay at 16,046 naman ang recoveries.