Karagdagang 3,520 bagong kaso ng COVID-19 naitala ng Department of Health (loop: crowd / vaccination)
Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng karagdagang 3,520 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019
(COVID-19).
Kaya naman pumalo na ang total nationwide caseload sa 3,938,203.
Ang naitalang kaso kahapon ay ang pinakamataas na kaso sa loob ng anim na araw matapos ang tatlong araw na sunod-sunod na nakapagtala ang health department ng mahigit 2,000 bagong infections lamang.
Base sa latest data ng DoH, ang active cases ng bansa ay tumaas din sa 35,399 mula sa dating 32,323 na naitala noong Sabado.
Ito rin ang ikatlong sunod na araw na nasa 30,000 ang active infections.
Ang bilang naman ng mga naka-recover ay umakyat na sa 3,840,041 habang nadagdagan naman ang mga namatay ng 31 kaya naging 62,790 na ang death toll sa bansa.
Ayon sa DoH, ang rehiyon na mayroong pinakamaraming kaso sa loob ng dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na mayroong 13,808 na kaso.
Sinundan ito ng Calabarzon ma may 5,054 at Central Luzon na may kasong 2,804.