-- Advertisements --
image 455

Ligtas na nakauwi na sa Pilipinas ang karagdagang 27 mga Pilipino na na-repatriate mula sa Turkey kasunod ng pagtama ng malakas na lindol noong nakalipas na buwan.

Ayon sa Deparment of Foreign Affairs (DFA), ito na ang ikatlong batch ng mga overseas Pilipino na nakauwi sa bansa matapos ang pagtama ng 7.8 magnitude na lindol na nag-iwan ng mahigit 50,000 namatay sa Turkey at Syria.

Ilan sa mga Pilipinong narepatriate ay mga asawa at anak ng Turkish nationals.

Sa kabuuan nasa 76 mga Pilipino na ang nakauwi sa bansa mula sa Turkey.

Mula sa 260 mga Pilipino sa nasabing bansa, halos 160 ang nagpasyang manatili dahil ang ilan sa kanila ay kinasal sa Turkish nationals habang ang iba naman ay pinangakuan na gobyerno ng Turkey na mabibigyan ng housing at finncial assistance.

Tiniyak din ng DFA ang patuloy na paghahatid ng tulong para sa mga nananatiling Pilipino na nasa shelter at apektado ng tumamang lindol.