-- Advertisements --

Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pag-iimbestiga sa karagdagang 250 pang kaso ng pagkamatay sa drug war operations ng nagdaang Duterte administration.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla, ang 250 kaso na ito ay iba mula sa 52 kaso na nauna ng isinumite noon ng Philippine National Police (PNP) para sa i-review ng Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni DOJ Undersecretary Jesse Hermogenes T. Andres na anim mula sa 52 mga kaso ng drug war deths ay nadismissed na o hindi na itinuloy pa ng pamilya ng mga biktima ang pagsasampa ng kaso.

Habang nasa 7 naman ang subject para sa case build up at ang mga ito ay naihain na sa korte at kumpiyansa aniya ang DOJ sa mga ebidensiya na iprepresenta sa naturang mga kaso.

Umapela naman ang DOJ chief sa mga testigo na lumantad na at tumulong para sa paglilitis ng mga kaso dahil ang nagiging problema aniya ay ang kakulangan ng mga testigo na kailamham para sa pag-prosecute sa isang kaso.

Tiniyak din ni Remulla na kanilang bibigyan ng protection ang mga testigo.