-- Advertisements --
Poste ng kuryente

Kumikilos na ang Department of Energy (DOE) para masolusyunan ang krisis sa kuryente na nararanasan sa Occidental Mindoro sa pamamagitan ng 17-megawatt (MW) na kontrata na makapagbibigay ng tuluy-tuloy na suplay ng kuryente sa probinsiya.

Ayon kay DOE Assistant Secerary Mario Marasigan, nangangalap na ang National Electrification Administration (NEA) ng available resources para matugunan ang 20 oras na power outage kada araw sa Occidental Mindoro kabilang ang assessment ng powerplant na makapagbibigay ng karagdgang 6MW at generator sets na maytoong 8MW capcity.

Ayon naman kay NEA administrator Antonio Mariano Almeda nag-isyu na ang DOE ng certificte of exemption o emergency power supply agreement (EPSA) na magpapahintulot sa gobyerno na pumasok sa isang kontrata sa DMCI power Corporation para sa karagdagang 17MW power supply.

Nangako naman aniya ang naturang kompaniya na mahbibigay ng 10MW sa 30 araw at dagdag na 7MWsa loob ng dalawang buwan.

Kung matatandaan, indineklara ni Governor Eduardo Gadiano ang state of calamity sa Occidental Mindoro dahil sa nararanasang power outages sa nakalipas na isa’t kalahating buwan.