Muling nagpadala ngayong araw ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng karagdagang mga family food packs sa Cagayan Valley bilang tugon sa mga labis na naapektuhan ng bagyong Egay.
Ito ay kinabibilangan ng 17,000 family food packs kung saan 4,500 dito ay dinala sa Lungsod ng Santiago.
8,000 dito ang dinala sa Tuguegarao City, habang 1,500 ang dinala sa probinsya ng Quirino.
Ang nalalabing 3,000 food packs ay dinala naman sa Abulug, Cagayan.
Inaasahang matutugunan ng ipinadalang ayuda ang karagdagang request ng lahat ng mga Local Government Units sa buong Lambak ng Cagayan.
Patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa bawat local government unit sa Cagayan Valley na siyang pinaka-apektado sa pananalasa ng bagyong Egay, upang matugunana ang mga pangangailangan ng mga ito.