-- Advertisements --
Nasa ligtas na kalagayan ang limang kapulisan na nasugatan matapos na bumangga ang kanilang patrol car ng tumama ang lindol sa Gumaca, Quezon.
Sa imbestigasyon, biglang nahilo ang driver ng police car dahil sa pagyanig kaya ito ay nawalan ng kontrol.
Dahil sa pangyayari ay bumangga kanilang patrol car sa isang truck.
Magugunitang tinamaan ng magnitude 5.3 na lindol ang Quezon province nitong hapon ng Biyernes.