-- Advertisements --

Gumamit na ng mga tear gas ang kapulisan sa Brazil para maitaboy ang mga supporters ng natalong si President Jai Bolsonario.

Tinalo kasi ni Luiz Inácio Lula da Silva si Bolsonario sa naganap na halalan.

Mayroong 50.9% ang nakuhang boto ni Lula habang si Bolsonario ay nakakuha ng 49.1%.

Dahil sa pagkatalo ay maraming mga supporters nito ang nagsagawa ng kilos protesta.

Tinanggal din ng mga kapulisan ang nasa 300 na mga harang ng inilagay ng mga supporters ni Bolsonario sa ilang lugar sa Brazil.