-- Advertisements --

Hinimok ng grupo ng mga manggagawa ang pamahalaan na maging aktibo sa vaccine information, kahit nasimulan na ang rollout ng bakuna sa malalaking syudad.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesman Alan Tanjusay na hindi sapat ang nakararating na impormasyon sa maraming manggagawa, lalo na sa mga malalayong lugar, kaya malaki pa rin ang bilang ng mga nag-aalinlangan sa mga dumarating na COVID-19 vaccines.

Sa mga nakaraang survey, lumilitaw na takot ang maraming magpabakuna, kahit libre pa itong ipagkakaloob.

Ang iba naman ang gusto ng COVID vaccine, mula sa US at hindi sa China.

“Dapat magsagawa ang gobyerno ng information dissemination tungkol sa vaccination program nila, para mabawasan yung takot at agam-agam dito sa mga bakuna,” wika ni Tanjusay.

Samantala, patuloy namang nangangalap ng impormasyon ang labor group ukol sa ilang employer na inoobliga ang kanilang mga tauhan na magpabakuna, bago tanggapin sa trabaho.