Hinihintay pa rin ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) na dumulog sa kanila si Peter Joemel Advincula na lumutang at umaming siya ang nasa likod ng Bikoy video na nagdadawit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra posibleng mahalintulad si Advincula sa kasong kinaharap ni Rodel Jayme na siyang gumawa ng website kung saan inapload ang Bikoy video na ngayon ay humaharap sa kasong inciting to sedition.

Kapag may pormal namang reklamo si Advincula ay iimbestigahan ito ng NBI.

Pero sakali aniyang hindi makatugon sa imbitasyon ng NBI si alyas Bikoy ay ikukunsidera na ng DoJ ang posibleng pagsama na rin sa kanya sa kasong inciting to sedition na may kinalaman sa cyber crime law na nauna ng isinampa kay Jayme.

Bukod diyan ay ay iimbestigahan pa ng NBI ang iba pang kaso na maaari nilang isampa laban kay Advincula.