Reading Time: 1 minute
Isko with Gazini
(C) pageant website, normannorman

Personal na nagpasalamat si 2019 Binibining Pilipinas-Universe Gazini Ganados kay Manila Mayor Isko Moreno kaugnay sa pareho nilang advocacy sa mga matatanda.

Sa kanyang pagtungo sa Manila City Hall kahapon, ipinaabot ng 23-year-old Fil-Palestinian model na tubong Dapitan City sa Zamboanga, ang kanyang suporta sa alkalde na mayroon ding concern sa mga senior citizen.

“Before joining Binibini, I hoped to be the first beauty queen to come up with a project that will provide livelihood for senior citizens,” saad ni Gazini kay Moreno. “I’m glad nagawa niyo na po so I’m just here to support. My project is about active aging.”

Nabatid na mayroong pirmadong polisiya ang 44-year-old Manila mayor na para sa mga senior citizens, gayundin sa persons with disabilities, at solo parents.