KORONADAL CITY – Nanawagan ngayon ang ilang mga miyembro ng Kabus Padatuon investment scam na ibalik ng founder nito na si Joel Apolinario ang kanilang pera.

Panawagan ito ng ilang miyembro ng Kapa matapos na mabiktima ng balita sa iba’t ibang istasyon sa radyo na pinayagan na umano muli si Apolinario at ang Kapa namakapag-operate matapos na makausap si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero kanilang natukoy na fake news ang naturang impormasyon kaya marami ang nagalit at nagsabi na hindi na dadalo sa huling araw ng prayer rally sa General Santos City dahil sa panloloko raw sa kanila.