DAVAO CITY – Bigong maisagawa ng mga kasapi ng KAPA (Kabus Padatuon Community Ministry International Inc.) ang planong makiisa sa isang prayer vigil laban sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngayong araw ang panawagan ni Pastor Joel Apolinario, founder ng nasabing investment scam, sa isang prayer vigil sa Lungsod ng Davao.

Ayon kay Apolinario, maaaring gamitin ang kanilang mga sasakyan kabilang na ang kanilang backhoe.

Kaugnay nito, todo bantay ang Davao City Police Office sa pangunguna ni Police Col. Alexander Tagum, gayundin ang Public Safety and Security Command Center sa pangunguna ni Benito De Leon.

Mahigpit umano nilang ipapatupad ang pagbabawal sa mga iligal na mga pagtitipon sa lungsod.