Ikinatuwa ng Kim Chiu na umabot sa mahigit 10 million views sa loob ng isang araw sa lahat ng social media platform ang bagong kanta nitong “Bawal Lumabas”.

Ang nasabing kanta ay ginawa ng actress na base na rin sa naging pahayag niya sa pagpapasara ng TV network na ABS-CBN.

Sa kaniyang social media account, sinabi nito na mayroon ding naidulot na kabutihan ang mga natatanggap nitong batikos.

Ang nasabing kanta aniya ay nagtulak sa kaniya ng pagiging malakas at mabuti sa pakikitungo sa mga bashers.

Inanunsiyo pa nito na ang nasabing kanta ay pormal na niyang ilalabas sa digital platfrom gaya ng Spotify, iTunes, Amazon, Apple Music at iba pa.