LA UNION – Hinamon ngayon ni Mayoralty aspirant Jose Maria “Pepe” Ortega si San Fernando City Mayor Hermenegildo “Dong” Gualberto na magharap sila sa Bombo Radyo kaugnay ng kinakaharap na kontrobersya ng huli sa La Union.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Ortega, sinabi nitong dapat harapin siya ni Gualberto at sabihin na walang kototohanan ang mga lumalabas na balita hinggil dito.

Sinabi ni Ortega na ang kasong isinampa ng Ombudsman laban kay Gualberto ay base sa ebidensya, COA reports at verified reports.

Nauna nang sinabi ni Gualberto na fake news ang lumabas na balita at itinuturo ang ibang partido bilang nasa likod ng kontrobersya.

Kung maalala, naglabas ng preventive suspension ang Ombudsman laban kay mayor Gualberto kaugnay ng umano anomalysa sa pagpapatupad nito ng rehabilitation sa Phase 1 and 2 ng San Fernando City Plaza.