-- Advertisements --

Magtutungo sa Tacloban City sa araw ng Lunes, Mayo 1, ang 38 kandidata ng Miss Universe Philippines.

Sinabi ni Borj Roxas, ang project head ng Miss Universe Philippines, na sabik ang mga kandidata na bumisita sa nasabing lungsod at ilang bahagi ng Leyte at Samar.

Layon nila na isulong bilang tourism destination ang buong Eastern Visayas.

Pangunahing layon kasi ng organisasyon ang promosyon ng turismo.

Magtutungo ang mga ito sa dalawang memorial parks kung saan nakaburol ang mga biktima ng Super Typhoon Yolanda at ilang mga lugar.

Sa Mayo 4 naman ay magtatagisan ang mga kandidata sa best national costume na gaganapin ito sa Leyte Normal University sa Tacloban.