-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na tanggalin na ang tinaguriang Mt. Kamuning Footbridge na matatagpuan sa Quezon City.

Ayon sa kalihim, personal na nakita mismo ng pangulo ang nasabing footbridge at sinabing hindi magagamit ito ng mga may edad na lalo na ang mga may kapansanan.

Marapat aniya na palitan na lamang ng bago at maayos na tawiran.

Magugunitang umani ng batikos ang nasabing footbridge dahil ito ay matarik kung saan mahihirapan ang mga gagamit nito.

Tiniyak naman ni Dizon na agad nitong tutugunan ang nasabing kautusanng pangulo.