-- Advertisements --
Binantaan ng kampo ng singer na si Taylor Swift na sasampahan ang isang estudyante.
Ito ay dahil sa pagbabahagi ng mga filght information ng singer online.
Ayon sa aboogado ng singer na ina-upload ni Jack Sweeney kada araw ang mga impormasyon na kinaroroonan ng eroplano ng singer.
Itinuturing ng abogado nito na ang ginagawa ng 21-anyos na mag-aaral ay isang uri ng “stalking”.
Noong 2022 ay na-ban na si Sweeney sa Twitter matapos na akusahan ni Elon Musk ang pamamahagi ng kaniyang “assasination coordinates”.
Sa ngayon ay binigyan ng abogado ng singer ng cease-and-desist letter ang 21-anyos na studyante ng University of Central Florida na nananawagan na itigil na nito ang kaniyang ginagawa.