-- Advertisements --

Naghain sa korte suprema ng apila ang kampo ni Senator Aquilino “koko” Pimentel III at dating Senator Manny Pacquiao na humihiling na baligtarin ng Commission on Election ang desisyon nito na nagdedeklang sila ay faction group sila ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o (PDP-LABAN).

Ang nasabing desisyon ng COMELEC ay nagdedeklarang lehitimong PDP-Laban ang grupo na pinamumunuan noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Energy Secretary Alfonso Cusi.

Ang apila ay inihaim ni Atty. Jeric Salenga ang abogado nina Pimentel at Pacquiao, Executive Director Ron Munsayac at education and founding member Pines Arcega.

Magugunitang noong 2021 ay pinanigan ng COMELEC ang hiling ni Cusi na ideklara sina Pimentel at Pacquiao ibang ilegal na representative ng partido.

Tatlong araw bago ang Mayo 9 election ay kinilala ng COMELEC ang Cusi faction bilang lehitimong PDP-Laban.

Nitong Enero 27 ay pinagtibay pa ng COMELEC en banc ang resolution ng COMELEC Second Division.