Hindi pa rin tinatanggal ng kampo ni Manny Pacquiao ang posibilidad na makaharap si UFC fighter Conor McGregor.

Ayon kay Sean Gibbons, pangulo ng Manny Pacquiao Promotions, na isang magandang laban kapag magharap ang dalawang fighter.

Dagdag pa nito na matagal ng inilabas ang nasabing usapin kung saan wala pang pinal na desisyon kung ito ay matutuloy.

Huling lumaban ang fighting senator ay noong 2019 kung saan tinalo niya si Keith Thurman sa Las Vegas habang sumabak sa boxing naman si McGregor ay noong 2017 ng talunin siya ni Floyd Mayweather.