-- Advertisements --
Hiniling ng kampo ni dating vice presidential candidate Walden Bello na kung maari ay ilipat mula sa korte sa Davao City ang pagdinig sa kaso nitong cyber libel.
Ayon kay Atty. Luke Espiritu, ang lead counsel ni Bello, na hindi nila aasahan magiging neutral ang korte sa lungsod ng Davao kaya nararapat na maghanap ng ibang mga korte.
Hihilingin nila sa Korte Suprema ang paglipat ng lugar ng kaso dahil hindi nila aasahan na makakamit pa nila ang hustisya doon.
Magugunitang inaresto si Bello nitong Lunes ng hapon at nakapagpiyansa siya ng Martes.
Nagbunsod ang kaso sa reklamong isinampa ni dating Davao City information officer Jeffrey Tupas na inakusahan ni Bello na sangkot umano ito sa bentahan ng iligal na droga.