-- Advertisements --

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi nila binigyan ng special treatment ang kompaniya ng pamilya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, para mabigyan ng access sailang COVID vaccine sa bansa.

Ayon kay FDA Dir. Eric Domingo, sumulat lamang sa kanila ang tanggapan ni Pampanga second district Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo, pero hindi naman naaprubahan ang request nito para sa ilang impormasyong kinakailangan.

Sinabi ni Domingo na may panel of experts silang tumutugon sa mga katanungan, lalo na kung sensetibong paksa ito, na may malaking epekto sa distribusyon ng COVID vaccine.

Para sa FDA chief, hindi na sila nagtataka sa mga ganitong request dahil madalas namang nagpapadala ng kahalintulad na mensahe ang ilang mambabatas.

Pero pagtitiyak nito, nakatuon sila sa angkop na proseso at hindi para paboran ang ilang opisyal.