Tiniyak ng promoter ni Anthony Joshua na hindi magiging close door ang susunod na laban nito.

Ayon kay Eddie Hearn na hindi sila papayag na gawin sa bakanteng stadium ang laban ni Joshua kay Kubrat Pulev.

anthony joshua 1
IBF, WBO, IBO, WBA heavyweight champion Anthony Joshua

Una kasing kinansela ang laban na gaganapin sana sa Tottenham Hotspur Stadium sa London sa darating na Hunyo 20 dahil sa epekto ng coronavirus.

Dagdag pa ni Hearn na payag silang ilipat ang laban sa Middle East kung saan ang mga audience ay papayagang manonood ng laban.

Paglilinaw ni Hearn na malaking pera ang nakataya kaya hindi sila basta-basta na pumayag na walang manonood ng laban.

Huling lumaban si Joshua ng talunin niya si Andy Ruiz noong Disyembre at makuha ang WBA, IBF, WBO at IBO heavyweight title na isinagawa sa Saudi Arabia.