Sinalakay ng mga security forces sa Sri Lanka ang pangunahing anti-government protest camp, inaresto ang mga nagpoprotesta at binuwag ang mga tents.
Daan-daang mga troops at police commandos ang nasa labas ng mga tanggapan ng pangulo sa Colombo, ilang oras bago sila umalis sa lugar.
Siyam na tao, kabilang ang dalawang nasugatan, ay inaresto ng pulisya.
Inilarawan ng pulisya ang insidente bilang isang “espesyal na operasyon upang mabawi ang kontrol ng presidential secretariat”.
Isang video journalist ang binugbog ng hukbo at inagaw ng isang sundalo ang kanyang phone at tinanggal ang mga video.
Nang tanungin ang tagapagsalita ng pulisya tungkol sa pag-atake sa isang mamamahayag, sinabi rito na hindi niya alam ang insidente.
Nangyari ito habang nanumpa si Ranil Wickremesinghe bilang pangulo noong Huwebes, matapos tumakas sa bansa noong nakaraang linggo ang dating pangulo ng Sri Lanka na si Gotabaya Rajapaksa.
Si Mr Wickremesinghe – ang dating punong ministro – ay nakikitang “unpopular” sa publiko at nangakong gumawa ng mahigpit na aksyon laban sa mga demonstrador.
Kung maalala, ang Sri Lanka ay nakaranas ng ilang buwan ng malawakang kaguluhan dahil sa economic crisis at sinisisi ng marami ang dating pamahalaan sa maling pangangasiwa sa pananalapi ng bansa.