-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Inabandona ng mga terorista ang kanilang kampo sa inilunsad na focused military operation ng Joint Task Force Central sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Roberto Capulong na nakubkob ng mga tauhan ng 40th Infantry Battalion Philippine Army ang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Barangay Kitapok Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.

Nagsitakas ang mga rebelde patungong SPMS Box bago man makarating ang mga sundalo at inabandona ang kanilang kampo.

Narekober sa loob ng kampo ang isang M16 armalite rifle,apat na Improvised Explosive Device (IED) mga bala,magasin, mga sangkap sa paggawa ng bomba,apat na 2 way radio at mga personal na kagamitan.

Tiniyak naman ni General Capulong na hindi sila magiging kampante at patuloy nilang hahabulin ang mga natitirang miyembro ng BIFF at Dawlah Islamiyah.

Bukod sa BIFF at DI, tinutugis din ng Joint Task Force Central ang mga Private Armed Groups at Armed Lawless Groups sa Maguindanao.