-- Advertisements --

Nagpasya ang national soccer team ng Iran na mananatili sila sa Mexico at tsaka na lamang sila magtutungo sa US kapag maglalaro na lamang sila para sa World Cup.

Ang nasabing hakbang ay kasunod na tanggihan sila ng US na doon patulugin o patirahin ang Iran habang isinasagawa ang torneo.

Ayon kay Mexican President Claudia Sheinbaum na lumapit sa kanila ang FIFA at nakiusap sa kanilang gobyerno na kung maaari ay ampunin ang Iran mula Hunyo 11 hanggang Hulyo 19.

Dagdag pa ng Mexican President na wala silang dahilan para tanggihan ang koponan.

Makakaharap ng Iran ang New Zealand sa Hunyo 15 na gaganapin sa Los Angeles, habang ang Belgium naman sa Hunyo 21 sa Los Angeles at ang Egypt naman sa Hunyo 26 na gaganapin sa Seattle.