Tinawag ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na isang overkill ang ginawang pagpapaputok ng baril ng mga kasapi ng Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) sa loob ng Senado.
Ayon kay CIDG Director Major General Robert Alexander Morico II na umabot sa 44 piraso ng mga basyo ng bala ang kanilang nakulekta mula sa apat na armas.
Sa nasabing bilang ay 36 sa mga basyo ay galing sa loob o indoor habang walo naman ang galing sa labas.
Mayroong apat na armas na ginamit kung saan tatlo dito ay mula sa OSAA at isa naman ay mula sa National Bureau of Investigation (NBI).
Kasama rin na isinawalat ng CIDG na mayroong 26 na basyo ng bala ang nakuha mula sa baril na ginamit ni Senate Sergeant-At-Arms Mao Aplasca.
Sinab ng CIDG official na naging “overkill” ang ginawa ng OSAA dahil sa dami ng pinaputok habang limang putok lamang ay galing sa NBI.
















