CEBU CITY – Epektibo na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Cebu City ngayong alas-12:00 ng tanghali.

Ito’y kaugnay na rin sa mga hakbang para mapigilan ang mas paglaganap ng COVID-19.

Sinimulan ang ECQ sa pamamagitan ng malakas na tunog ng kampana ng mga simbahan na sinabayan ng malalakas na ugong ng barko.

Sunod na rito ang pagbibigay ng quarantine pass sa pamamagitan ng mga barangay.

Kaugnay nito, hindi maiwasang mag-panic buying ng mga tao sa takot na baka magpapatupad na rin ng lockdown.

Pero nilinaw ng pamunuan ng Cebu na hindi naman mauubosan ng supply ng pagkain dahil magbubukas pa ang mga supermarket.

Sa katunayan, may- i-dedeploy na mobile market para sa mga residenteng labis na maaapektuhan ng enhanced community quarantine.

Tampok sa naturang paraan ng pamilihan ang pagtitinda ng karne, manok, itlog, gulay,bigas at iba pa.

Uunahin nito ang mga barangay na nasa kabundukan.

Sa ilalim ng ECQ, hindi na papayagang makalabas pa ang kahit na sino maliban nalang sa mga frontliners.

Mananatili namang bukas ang mga ospital, medical clinics, laboratories, pharmacies, drug stores, gasoline stations, cargo handlers at telecommunication companies.