-- Advertisements --
Wala pang back-up plan ang House of Representatives sakaling hindi maipasa sa target date ang Resolution of Both Houses No. 6.
Ito ang inihayag ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers.
Ayon kay Barbers pag-uusapan pa ito ng Kamara kung ano ang kanilang susunod na magiging hakbang.
Ayon sa mambabatas panahon na para amyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constritution dahil napag-iiwanan na ang Pilipinas sa mga kalapit bansa nito sa Asya.
Giit ni Barbers naungusan na tayo ng bansang Vietnam.
Kaya muling nananawagan ang mambabatas sa Senado na ipasa na ang Resolution of Both Houses No 6 ng sa gayon makausad na para mapalago ang ekonomiya ng bansa.