Inihayag ni House Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na pinag-aaralan ng House of Representatives na i-upgrade ang Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa San Narciso, Zambales bilang isang Philippine National Marine Academy (PNMA).
Innunisyo ng mambabatas ang naturang plano sa kaniyang pagbisita sa 200 taon ng institusyon.
Aniya, ang conversion ng naturang panukala ay magiging kapareho ng level ng Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA) na parehong premiere learning institutions para sa mga aspiring uniformed personnel.
Ayon pa sa mambabatas na susubukan niyang kumbinsihin ang kaniyang kasamahang mambabatas sa Kamara para suporthan ang panukala.
Sa ngayon, mayroong isang panukala na nasa mababang kapulungan na inihain para nasabing plano ang House Bill No. 6503 na akda ni Cagayan de Oro 2nd district Rep. Rufus Rodriguez.