-- Advertisements --

Nanawagan si Leyte Representative-elect Martin Romualdez para sa isang magandang “working relationship” sa pagitan ng Kongreso at economic managers ng Duterte administration para matiyak ang approval ng 2020 national budget bago matapos ang taong kasalukuyan.

Bilang paunang hakbang, sinabi ni Romualdez na nakipagpulong siya kamakailan kay Finance Sec. Carlos Dominguez III para makahanap ng mga paraan kung paano mas mapabuti ang komunikasyon at koordinasyon sa pagitan ng Kamara at ng mga economic managers.

“An overwhelming number of congressmen elected in the 18th Congress
are supportive of President Duterte and his legislative agenda. Number
one on the list of priority bills, of course, is the General
Appropriations Bill (GAB) for year 2020,” ani Romualdez.

Matapos na konsultahin ang mga kapwa niya kongresista sa 18th Congress, sinabi ni Romualdez na lahat daw ng mga kasamahan niya ay sang-ayon na magdoble kayod para matiyak na maaprubahan ng Kamara ang General Appropriations Bill (GAB) bago sumapit ang Nobyembre.

Ang timetable na ito, sinabi ng kongresista, ay magandang pagkakataon para mabigyan ang mga senador na masuri ng husto ang proposed national budget, bukod pa sa mabibigyan sila ng leeway para maipasa ang GAB bago matapos ang 2019.

“Our mission in the House: pass the GAB in October and give the Senate
until early December to act on it. Then we can both approve the
General Appropriations Act before the Christmas break,” sambit nit Romualdez, na isa sa mga tumatakbo sa pagka-Speaker sa 18th Congress.

Pero para masunod ang proposed schedule, sinabi ng kongresista na kailangan maging mas bukas ang mga kapwa niya mambabatas sa mga sasabihin din ng economic managers upang sa gayon ay magkaroon sila ng mas malinaw na larawan sa kung ano ang budget ng Pangulo sa 2020.