-- Advertisements --
Inihain na sa Kamara ang resolusyon ng pakikisimpatya sa nangyari sa Batanes kamakailan matapos itong yanigin ng magkakasunod na lindol.
Sa House Resolution 139 nina Speaker Alan Peter Cayetano, Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Bienvenido Abante, Jr., nagpahayag ang Kamara ng pakikiramay sa trahedyang idinulot ng serye ng lindol.
Samantala, nanawagan ang kapulungan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at iba pang katuwang na ahensya na bilisan ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong residente.
Nabatid na sa naturang lindol, siyam na katao ang nasawi at mahigit 20 ang sugatan.
Marami ring kalsada at imprastraktura ang naapektuhan at nasira bunsod ng malakas na mga pagyanig.










