Nakatakdang maglabas ng subpoena ang House Committee on Legislative Franchises laban kay Kingdom of Jesus Christ Exectuive Pastor Apollo Quiboloy.
Sa pagdinig ng komite sa panukalang revocation ng prangkisa ng Swara Sug Media Corporation na nago-operate sa ilalim ng business name na Sonshine Media Network International o SMNI, hiniling ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na sana ay maimbitahan si Pastor Quiboloy upang masagot ang ilan sa kaniyang mga katanungan.
Inihayag ni Brosas na ang mga pinuno ng ahensya ng pamahalaan ay mismo humaharap sa Kongreso para sagutin ang mga tanong sa mga isinasagawang pagsisiyasat.
Kaya dapat lamang na magpakita si Pastor Quiboloy.
Ayon naman kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, vice-chair ng Komite, makailang beses nang inimbitahan ng komite si Quiboloy para dumalo sa pagdinig ngunit hindi naman humarap
Dito na nagmosyon si Pimentel na maglabas ng subpoena para sa pastor at humarap sa Komite.
Pinaalalahanan pa nito ang legal counsel ng SMNI na si Atty. Mark Tolentino na kung hindi dadalo si Pasto Quiboloy matapos ang subpoen ay mahaharap ito sa contempt at kung hindi pa rin haharap ay ipapa-aresto na nila ito.