-- Advertisements --
Pangungunahan ni House Committee on Human Rights Chairman Bienvenido Abante ang pagsisiyasat kaugnay sa pagbisita ng mga pulis sa bahay ng mga mamamahayag.
Inihayag nito na magkakasa ng imbestigasyon ang kaniyang komite matapos mayroong maghain ng resolusyon para dito.
Idinagdag pa ng mambabatas na bagama’t maganda ang hangarin ng Philippine National Police, hindi tama ang kanilang ginawa na pumunta sa bahay ng mga media ng hindi naka-uniporme.
Hindi pa naman tinukoy ni Abante kung kailan gagawin ang pagdinig.
Magugunitang, agad ipinatigil ng National Capital Region Police Office ang naturang pagbisita matapos umani ng kritisismo.