Agad na uupuan o tatalakayin ng Mababang kapulungan ng Kongreso kasama ang Executive department ang reintegration o pagbabalik sa komunidad ng mga miyembro ng rebeldeng grupo na ginawaran ng amnestiya ayon kay House Speaker Martin Romualdez.
Ang naturang hakbang aniya ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga dating mga rebelde na maging produktibong mamamayang Pilipino.
Kaugnay nito, binigyang diin ng House leader ang pangangailangan para sa komprehensibong mga programa na nakatutok sa mga trabaho, kabuhayan, edukasyon at healhcare.
Inihayag din ni House Speaker Romualdez nananatiling determinado ang Kamara sa pagsuporta sa mga hakbang para sa kapayapan at magtutulak sa ating bansa tungo sa walang kapantay na paglago.
Suportado din ni Romualdez ang mga inisyatibo ng administrasyon para sa kapayapaan.
Ayon sa House leader ang paggawad ng amnestiya sa mga miyembro ng iba’t ibang grupo ng mga rebelde na ginawa sa ilalim ng dating Duterte administration na ipinagpatuloy ni PBBM.