-- Advertisements --

Nag-e-explore ngayon ng paraan ang House of Representatives sa ilalim ng pamunumo ni Speaker Martin Romualdez kaugnay sa feasible agricultural infrastructure para makamit ng bansa ang long-term rice supply stability at food security.

Ayon kay House Appropriations Chair at Ako Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co, pinangunahan ni Speaker Romualdez ang pulong nuong Biyernes kasama ang mga major rice stakeholders.

Layon ng pulong para bigyang linaw ang legislative branch sa pagtukoy sa mga mahahalagang fundamental facilities and systems para sa agricultural sector.

Dumalo din sa pulong si House Majority Leader Manuel Jose “Manix” Dalipe kung saan tinalakay ang mga paraan para mapalakas pa ang rice production sa bansa at masiguro na abot kaya ang mga pagkain para sa mga Filipinos.

Kabilang sa mga tinalakay ay ang strategies at mga experiences ng Nueva Ecija na siyang tinaguriang “Rice Granary of the Philippines’.

Ibinahagi ni Nuva Ecija Gov. Aurelio Umali na ang crucial structure sa kanilang system ay ang pagtatayo ng “rice silos.”

Sinabi ni Umali na ang kagandahan sa silos ay ang mga palay hindi na kailangang ibilad sa kalsada.

Ayon sa gobernador mahalaga ang silos dahil naiiwasan nito ang post-harves lossess at napapanatili nito ang magandang kalidad ng mga butil ng bigas.

Aniya, ang mga silo ay nagbigay-daan sa kanila na magkaroon ng tuluy-tuloy na suplay ng bigas sa merkado, na maaaring mag-ambag sa pagpapatatag ng presyo ng bigas.

Samantala, ipinanukala naman ni Co sa gobyerno ang direktang hauling ng agricultural products mula mismo sa mga source.

Layon nito na tanggalin sa supply chain ang mga middlemen ng sa gayon lalo pa kikita ang mga magsasaka.

“The national government can also help with the hauling para ‘yung cost wala nang kotong-kotong. If we get direct or buy directly from the farmers, wala ng trader,” pahayag ni Co.

Isinusulong din ni Co ang paggamit ng “Solar Fertigation”.

Paliwanag ni Co ang Solar Fertigation ay matipid sa kuryente na may kasamang fertilizer ang patubig.

Ayon sa mambabatas na mahagala matukoy ang mga strategic locations para sa pagtatayo ng agricultural infrastructures.

“The discussions were enlightening and will aid the legislative branch in identifying vital infrastructure projects. We are on a mission to achieve the legacy project of food sufficiency, and [Friday’s] conversations mark a significant step towards that dream,” dagdag pa ni Rep. Co.