-- Advertisements --
Magiging mas mabilis na umano ang trabaho sa Kamara, ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez.
Ito ay matapos na mapunan na ang mga mahahalagang posisyon sa Kamara kasunod ng ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Romualdez na ngayong organisado na ang Kamara, full blast na silang mga kongresista para ipasa agad ang mga mahahalagang panukalang batas kasama na ang priority measures ni Pangulong Duterte.
Maging ang minorya ay inaasahan na rin ni Romualdez na makikiisa sa pagpasa ng mga legislative agenda ng Duterte administration.
Samantala, may commitment na rin naman aniya ang House leadership para sa pagdoble kayod sa pagsusulong ng priority bills ng pamahalaan.










